Wednesday, September 30, 2009

haist...

heto na naman ako.. magsusulat tungkol sa'yo.
kelan ba ako magsasawa sa kakaisip sa'yo?
kelan ko ba marerealize na wala na talaga? na nagbago ka na.. na hindi mo na ako gusto.. na may mahal ka nang bago..
kelan?

hay. lahat na yata ng pagpapapansin ko sa'yo nitong mga nakaraang araw eh wala lang para sa'yo.. sorry ha. ang gusto ko lang naman eh makausap ka. yung tipong sa dulo ng pag-uusap natin eh may sayang maiiwan sa ating dalawa. gaya nung dati.. ganitong mga panahon yun eh.. 2006. haaay. nakakalokong isipin na wala ka na talaga sa akin... na pag-aari ka na ng ibang tao. na sa kanya ka na uli... haaay.

salamat sa'yo. kasi kahit hindi tayo umabot ng dalawang taon, higit dalawang pasko at baong taon naman ang pinagsamahan natin. 2006-2007, 2007-2008, 2008-2009. at ngayong darating na pasko at bagong taon, bago na rin ang makakasama mo.. sana ako rin makahanap na para makalimutan na kita. para naman sa paskong darating eh pareho tayong masaya.

nalulungkot pa rin ako.. nanghihinayang. nakakapanghina. pero sa tingin ko, wala na talagang pag-asa. ang hirap lumaban ng nag-iisa ka na lang na lumalaban. ang hirap ipaglaban ng taong mahal mo kung ayaw nya na talaga sa'yo. haaay.

nalulungkot na ako.. october na kasi. parating na siya... ako, ... ... ...